^

Metro

Ilang Hijos sa Nazareno, lumabag sa protocol

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ilang Hijos sa Nazareno, lumabag sa protocol
Suportado rin ng pari ang payo ng mga health experts na mag-isolate muna ang mga deboto na dumalo sa Pista at obserbahan ang kanilang mga sarili kung may sintomas ng COVID-19 upang hindi na makahawa ng iba kung sakaling nadapuan sila ng virus.
Philstar.com/Irish May Lising

MANILA, Philippines — Aminado ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na hindi perpekto ang pamamahala sa ginanap na Pista ng Itim na Poong Nazareno makaraang lumabag umano sa protocol ang ilang Hijos del Nazareno na nagbigay ng bendisyon sa mga deboto sa labas ng simbahan.

Tinukoy ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar, ang vi­deo footage kung saan nakitang umakyat ang isang Hijo sa center island at binasbasan ng Holy Water ang mga deboto.  Dahil dito, nasira ang pormasyon sa physical distan­cing ng mga deboto na lumapit sa Hijo para mabendisyunan.

Sinabi ni Badong na ang instruksyon sa mga Hijo ay sila ang lalapit sa mga deboto sa kanilang mga puwesto para magbendisyon upang lahat ay mahagip ng Holy Water.

“Although lahat naman po naka-face mask, sana ligtas sila sa virus,” ayon kay Fr. Badong.

Sinabi niya na karamihan ay mga kabataang deboto ang nanguna sa pagsira sa pormasyon ng physical distancing.

Suportado rin ng pari ang payo ng mga health experts na mag-isolate muna ang mga deboto na dumalo sa Pista at obserbahan ang kanilang mga sarili kung may sintomas ng COVID-19 upang hindi na makahawa ng iba kung sakaling nadapuan sila ng virus.

vuukle comment

NAZARENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with