^

Metro

Lalaki itinumba ng tandem sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang patay nang barilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Sonny Boy Pardillo, 39, ng Phase 2, Paradise Village, Brgy. Tonsuya.

Sa report nina P/Master Sgt. Julius Mabasa at P/Staff Sgt. Ernie Baroy kay Malabon Police chief Col. Angela Rejano, dakong alas-12:15 ng madaling nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Paradise St. Paradise Village Brgy. Tonsuya. Naglalakad ang biktima pauwi mula sa P. Aquino St. nang sundan siya ng dalawang armadong suspek at pinagbabaril sa ulo at katawan.

Nang bumulagta sa daan ang biktima, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Paradise Village na tinutugis na ng pulisya. Narekober ng mga rumespondeng tauhan ng SOCO sa crime Scene ang 13 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

vuukle comment

MALABON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with