^

Metro

Rider pisak sa dump truck

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rider pisak sa dump truck
Idineklarang dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan ang biktimang kinilalang si Isagani Sorio, 36,ng Pascual Subdivision, Brgy. Baesa, Quezon City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang mabanga at magulungan pa ng isang dump truck sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan ang biktimang kinilalang si Isagani Sorio, 36,ng Pascual Subdivision, Brgy. Baesa, Quezon City.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resul­ting in homicide at damaged to property ang driver ng dump truck Sinotruck (MAD-33277) na si Carlito Bernardino, 48, ng Condrado St. Brgy. Niugan, Angat ,Bulacan.

Ayon kay Caloocan Police Traffic investigator P/Corporal Dino Supolmo, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maganap ang malagim na sakuna sa kahabaan ng Tullahan Road, Sta. Cateria, Brgy. 163 ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, kapwa tinatahak ng biktima sakay ng kanyang Yamaha Mio Sporty at ng dump truck na minamaneho naman ni Bernardino ang nasabing lugar patungong Quirino Highway, Quezon City nang mag-overtake umano sa truck ang rider.

Nawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo ang biktima at tumama ang harapang gulong ng kanyang motorsiklo sa sementadong gutter ng kalsada matapos mabangga ng truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima hanggang sa makaladkad at magulungan pa ng dump truck.

Sumuko naman ang driver na si Bernardino sa Caloocan City Police Station 6 matapos ang insidente. Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing pagsisiyasat ang kasong ito.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with