^

Metro

P1 milyong halaga ng alak, inorder ng hacker ni Sen. Gatchalian

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1 milyong halaga ng alak, inorder ng hacker ni Sen. Gatchalian
Ayon ito kay Senator Sherwin Gatchalian nang magtungo sa National Bureau of Investigation kahapon para magsampa ng reklamo.
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Dapat na pataasin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ‘consumer protection protocols’ upang hindi patuloy na malusutan ng mga hackers at mga scammers na nambibiktima ng mga ‘credit card holders’.

Ayon ito kay Senator Sherwin Gatchalian nang magtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon para magsampa ng reklamo.

Ito ay makaraang ma-hack ang kaniyang credit card at nagawang maka-order ng salarin ng P1 milyong halaga ng alak.

“Itong nang-hack pala na­laman natin na hindi masiba pero isang manginginom. Hindi pala pagkain pero P1 milyong halaga ng alak ang kaniyang inorder. Alcoholic pala ito pero dahil sa rami tingin natin ay ibebenta rin niya ito,” ayon kay Gatchalian sa ginanap na press conference.

Nakatakdang magsampa ng resolusyon ang senador para maimbestigahan ng Senado ang insidente dahil sa nakikita niyang kakulangan ng BSP at ng mga banko na patuloy na nagagawang malusutan ng mga scammers. Marami rin ang nagpadala ng mensahe sa kaniya na nabiktima rin ng kahalintulad na modus na nangangahulugan na matagal na itong nangyayari at hindi naaksiyunan ng mga bangko.

Hindi rin isinasaisantabi ni Gatchalian na nagkaroon ng inside job o maging sabwatan sa food delivery app at sa tauhan ng banko. Nagsasagawa na rin umano ng sari­ling imbestigasyon ang food delivery app (Food Panda) at ang banko ukol dito.

vuukle comment

HACKER

NBI

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with