^

Metro

11 kinasuhan sa rape/slay ng flight attendant

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
11 kinasuhan sa rape/slay ng flight attendant
Christine Angelica Dacera
Christine Dacera Facebook account

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa inquest proceedings sa Makati Pro­secutors Office ang tatlong indibiduwal na kabilang sa  11 ‘persons of interest’ sa rape/ slay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Sinabi ni Makati City Police Station, chief, P/Colonel Ha­rold Depositar, nasa 11 katao na nakasama sa New Year’s party ng biktima sa isang hotel sa Makati ang makakasama sa reklamo matapos lumitaw sa medico legal na may ‘laceration’ sa biktima na indikasyong hinalay ito bago siya namatay.

Indikasyon din ang mga nakitang hematoma sa tuhod at abrasions sa hita ng biktima.

“Before lunchtime  isusubmit namin sa prosecutor ang official documents, yung medico legal na inire-require pero initially nagfile na kami ng rape with homicide at  makukumpleto na namin ito ,” ani Col. Depositar. Ngayong araw pa lang makukuha ng Makati Police ang official na resulta ng medico legal para isumite sa piskalya.

Iginiit pa ni Depositar na walang kaibigan na nagreport sa pulisya hinggil sa pangyayari at inabot pa ng hapon bago nila nalaman mula sa security officer ng Makati Medical Center ang insidente.

Bukod sa hawak nilang tatlong persons of interest, hindi rin sumasagot sa tawag ang walong iba pa.

Pinagbatayan din ang kuha ng closed circuit television (CCTV)  ang paglipat-lipat ng mga lalaking nakasama sa nasabing party ng biktima sa dalawang silid na kinuha sa City Garden Grand Hotel .

Batay aniya, sa kuha ng CCTV, galing sa Room 2207 na buhat-buhat ng mga lalaki ang biktima at ipinapasok sa Room 2209.

Sa naging salaysay naman ng isa pang kaibigan ng biktima, nakita niyang sumusuka ang biktima habang ang isa pa ay nagsabi naman nakita niyang nahihirapang huminga ang biktima habang nakahiga sa bath tub na walang tubig na kaniya pang kinumutan at bumalik sa pagtulog.

Nang magising ay nakitang nangingitim na ang biktima kaya ginising ang dalawang kasamahan para ipaalam sa security offi­cers ng hotel at ginawan pa umano ng first aid bago dinala sa ospital.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with