^

Metro

Babaeng pulis nagpaputok ng baril, arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Babaeng pulis nagpaputok ng baril, arestado
Ayon kay PNP spokes­person PBGen. Ildebrandi Usana, may isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa pagpapaputok ng baril ni Police Staff Master Sergeant Karen Borromeo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng pulis sa lungsod ng Malabon ang inaresto makaraang magpa-putok ng kanyang baril sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP spokes­person PBGen. Ildebrandi Usana, may isang concerned citizen ang nagsumbong sa pulisya tungkol sa pagpapaputok ng baril ni  Police Staff Master Sergeant Karen Borromeo.

Matapos matanggap ang impormasyon, dinakip ng kanyang mga kabaro si Borromeo at isinuko ang  service firearm.

Sinabi ni Usana sa lumabas na report na nakainom si Borromeo habang sinasalubong ang pagpasok ng Bagong Taon. Nahaharap din ito sa dismissal proceedings.

Isa ring insidente na tinamaan ng stray bullet sa Dagupan ang naitala. Ang dalawang insidente ay maituturing na isolated case lamang.

Gayunman, sinabi ni Usana na nanatiling payapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Magugunitang sa huling press confe-rence ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas para sa taong 2020 noong Dis­yembre 21 ay sinabing wala nang muzzle taping alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag na-man ni Director for Operations, Maj. Gen. Alfred Corpus na ang nakalipas na New Year celebration ang ikatlong taon na hindi nagbubusal ng mga service firearm dahil alam ng mga pulis ang kanilang tungkulin na gagamitin lamang ang kanilang sandata sa tawag ng trabaho.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with