^

Metro

PCSO dapat mag-‘level up’ sa gaming systems – VACC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCSO dapat mag-�level up� sa gaming systems � VACC
Ayon kay VACC president Arsenio “Boy” Evangelista, Jr., kailangang i-level up ng PCSO ang kanilang technology systems upang maitaguyod nito ang kanilang revenue generation capacity sa panahong ito ng pandemic crises, na nagdudulot din ng pagtaas ng demand para sa charity assistance sa milyun-milyong Pinoy na labis na naapektuhan ng pandemya at ng mga lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na magsagawa ng “major retooling” sa kanilang gaming systems partikular na sa lotto games upang malampasan ang mga bagong hamon na dulot ng coronavirus pandemic.

Ayon kay VACC president Arsenio “Boy” Evangelista, Jr., kailangang i-level up ng PCSO ang kanilang technology systems upang maitaguyod nito ang kanilang revenue generation capacity sa panahong ito ng pandemic crises, na nagdudulot din ng pagtaas ng demand para sa charity assistance sa milyun-milyong Pinoy na labis na naapektuhan ng pandemya at ng mga lockdown na ipinatupad ng pamahalaan.

Sinabi ni Evangelista na ang Section 37 ng Universal Health Care Law na isinabatas noong nakaraang taon ay nagsasaad na 40% ng net income ng PCSO ay dapat na mapunta sa state-run Philippine Health Insurance Corp. (UHIC), o PhilHealth.

Gayunman, malaki ang naging epekto ng pandemya sa operasyon ng PCSO dahil sa pagkatigil ng operasyon ng maraming lotto betting stations sa bansa.

Bilang resulta, malaki ang nabawas sa kita ng PCSO, na nag-ulat na nalugi sila ng P13 bilyon noong kalagitnaan ng 2020.

Taliwas ito sa projections ng PCSO na kikita sila ng P52 bilyon ngayong taong 2020.

“With no end in sight yet to the pandemic, it stands to reason that the PCSO has to be retooled if we expect it to fulfill its mandate of sustainable charity and health care delivery,” ayon pa sa VACC leader.

vuukle comment

PCSO

VACC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with