^

Metro

DILG bigo sa target na ‘zero firecracker incidents’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG bigo sa target na �zero firecracker incidents�
Ito’y matapos na makapagtala na ang bansa ng 10 fireworks-related injuries mula alas-6:00 ng umaga noong Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Dec. 26, batay na rin sa ulat ng Department of Health.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Hindi nakamit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang target na zero firecracker-related injury sa bansa ngayong holidays.

Ito’y matapos na makapagtala na ang bansa ng 10 fireworks-related injuries (FWRI) mula alas-6:00 ng umaga noong Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Dec. 26, batay na rin sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ayon naman kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, bagama’t nakapagtala pa rin sila ng mga biktima ng paputok ay mas kaunti lamang naman ang numero nito kumpara sa mga nakalipas na taon.

“Ang target po natin ay magkaroon tayo ng zero firecracker incidents. Ngunit meron na po tayong ilan na naitala as of today konti pa lang naman po ito at karamihan nasa probinsya,” ani Malaya sa Laging Handa briefing kahapon.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Malaya na magiging generally peaceful ang pagsalubong sa Bagong Taon at walang masyadong magiging problema.

Nanawagan din naman siya sa mga mamamayan na makipagtulungan at huwag nang gumamit ng mga ilegal na paputok upang hindi mabiktima nito.

“Our target is really zero firecracker incidents. So sana tumulong po tayong lahat at sana ‘wag gumamit ng illegal na fireworks.”

vuukle comment

DOH

FIRECRACKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with