Misa de Gallo generally peaceful – PNP
MANILA, Philippines — Generally peaceful!
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas sa ginanap na ‘Misa de Gallo’ at sa pagdiriwang ng Pasko sa taong ito.
Ang pahayag ni Sinas ay sa gitna na rin ng posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 pandemic sa mga lugar kung saan maraming mga tao ang humahabol sa selebrasyon ng Pasko.
“The holding of the nine-day Misa de Gallo in Catholic churches all over the country has been generally peaceful and orderly,” pahayag ni Sinas.
Sinabi ni Sinas na ang maayos na paglalatag ng seguridad upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ay nakatulong ng malaki sa mapayapang selebrasyon ng Pasko.
“We are grateful to the Local government and church authorities for taking the lead in implemen-ting public health guidelines and protocols during the Misa De Gallo,” ang sabi ng PNP Chief.
“We have been hopeful that our people would be quite conscious that the minimum health protocols were being followed well,” dagdag pa ng PNP Chief.
Samantalang tiniyak din ni Sinas na mananatiling nasa full alert status ang buong 221,000 puwersa ng PNP sa buong holiday season.
- Latest