^

Metro

TNVS driver timbog sa P34.6 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Timbog ng anti-drug operatives ang isang TNVS (Transport Network Vehicle Services) driver na pinaniniwalaang big time drug pusher kasunod ng pagkakasamsam sa may P34.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod ng Caloocan nitong bis­peras ng Pasko, ayon sa opis­yal kahapon.

Sa ulat ni Acting Ca-loocan City Police Chief P/Col. Samuel Mina Jr., kinilala ang nasakoteng suspect na si Uriel Hewe Jr., alyas Bong, 31, ng Mangga Street, Amparo Subdivision, Brgy. 179 ng lungsod.

“The anti-illegal drugs campaign will spare no one, holiday or no holiday,” pahayag naman ni PNP Chief General Debold Sinas.

Ayon kay Mina, bandang alas-3 ng hapon nang ilunsad ng mga ope­ratiba ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police ang buy-bust operation laban sa target na suspect sa nasabing lugar.

Bago ito ay nakipag-deal ang poseur buyer ng pulisya sa suspect at habang isinasagawa ang transaksyon ng droga ay inaresto ito sa aktong iniaabot ang  nasabing mga epektos.

Nakumpiska mula sa suspect ang isang piraso ng ice plastic bag na naglalaman ng shabu na siyang napagkasunduan sa buy-bust operation. Nakuha rin mula  sa plastic bag na bitbit ng suspect ang karagdagang 5 pang malalaking plastic na naglalaman ng shabu.

Ayon sa opisyal, aabot sa kabuuang 5.1 kilo ng shabu ang nakumpiska sa operasyon na may katumbas na halagang P34.68-M.

Lumilitaw pa sa im-bestigasyon na ang suspect ay nasa listahan ng Brgy. Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa mga aktibong nagtutulak ng droga sa kanilang lugar kung saan ginagamit nito ang pagiging TNVS driver sa ilegal na ope­rasyon.

 

vuukle comment

TNVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with