^

Metro

ECQ o MECQ sa Metro Manila, ‘di pa kailangan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
ECQ o MECQ sa Metro Manila, �di pa kailangan
“As long as hindi pa naman tayo tumatama sa 4,000, kasi 4,000 iyong parang critical limit ng ca­ses para bumalik tayo sa MECQ,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research Group.
Boy Santos/ File

MANILA, Philippines — Masyado pang maaga para ibalik ang Metro Manila sa mahigpit na ‘enhanced community quarantine (ECQ)’ o ‘modified ECQ’ makaraang maka-monitor ng bagong pagsipa sa mga kaso ng COVID-19.

Ito ang opinyon ng University of the Philippines-OCTA Research Group kahit na lumagpas na sa 1 RO (Reproduction Rate) ang nagaganap na hawaan ng virus sa rehiyon.

“As long as hindi pa naman tayo tumatama sa 4,000, kasi 4,000 iyong parang critical limit ng ca­ses para bumalik tayo sa MECQ,”  ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research Group.

Sa kasalukuyan, nasa average pa na halos 1,500 ang bilang ng mga bagong kaso sa Metro Manila, pinakamataas ang attack rate sa: Makati City, 7%; Pateros, 5.8%; San Juan, 5.6%; Pasay, 5% at Pasig City, 4.5%.

Sa buong bansa naman, pinakamataas ang attack rate sa: Mankayan, Benguet - 59%; Santiago, Isabela- 14.4%; Baguio City - 8.4%; at La Trinidad, Benguet - 7.1%.

Nanawagan ang mga eksperto na higpitan pa ng pamahalaan ang pagbabantay sa mga hangganan, lalo’t inaasahang marami ang hahabol na makauwi sa mga probinsiya ngayong Pasko at Bagong Taon.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with