DENR nagsagawa ng mangrove planting sa Baseco
MANILA, Philippines — Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mangrove planting activity sa Baseco lagoon sa Tondo, Manila bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng rehabilitasyon sa Manila Bay.
“Our responsibility under the rehabilitation is not only confined in the physical rehabilitation, cleaning and dredging. Habitat restoration is also so much a part of the rehabilitation efforts,” pahayag ni DENR Secretary Roy A. Cimatu.
Sinabi ni Cimatu na ang planting activity ay bilang pagsisimula lamang ng habitat restoration sa bahagi ng Manila Bay.
Magsasagawa rin ng malawakang mangrove planting activities sa shoreline ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat at Ecotourism Area, Parola, at sa may Pasig River.
Kasama ang MMDA sa pagsasagawa ng pagtatanim ng endangered mangrove species gapas-gapas na nagmula sa Ecosystems Research and Development Bureau, mga nipa, busain at nilad.
- Latest