^

Metro

Bebot kalaboso sa pagmumura, pananampal sa pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan bumagsak ang isang babae makaraang pagmumurahin at tangkang sampalin ang isang pulis na sumita sa kanya sa hindi pagsusuot ng face mask, ka­makalawa ng gabi sa Taguig City.

Bumagsak sa Taguig City Police Detention Center ang 29-anyos na si Janine Marie Manzano, parking attendant, nakatira sa Road 20, Magsaysay Ave, Maguindanao St., New Lower Bicutan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang sitahin si Manzano nina PCpl Honey Vino Apaga at Pat. Credo Peralta, kapwa ng Hagonoy Police Sub-Station 9, dahil sa walang suot na face mask sa may Maguindanao Street, Brgy. New Lower Bicutan.

Nang imbitahan siya sa presino para i-rekord, nagwala na umano ang suspek at pinagmumura ang mga pulis. Tinangka pang sampalin ng babae ang dalawang pulis na nagawang makaiwas sa atake ng suspek hanggang sa tuluyan siyang maawat at madala sa istasyon.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with