^

Metro

Rider pisak sa truck

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider makaraang pumailalim at magulungan pa ng isang truck sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Arnulfo Picardal ng QC task force Disiplina naganap ang insidente alas-11 ng gabi kamakalawa sa east-bound ng commonwealth highway.

Ayon kay Darwin Barilla, driver ng truck na aksidente ang nangyari at hindi niya nakita ang motorsiklo at hindi rin mabilis ang kaniyang takbo.

“Hindi ko ho nabangga ‘yan. Kaya ko lang po nalaman, nagbusinahan ‘yung mga motor doon sa gilid tapos ‘Bakit kako nalubak?’ Nu’ng tingnan ko, bakit may helmet? Ayun na nakita ko nandiyan na ‘yan,” sabi pa ni Barilla.

Sinasabing nawasak din ang motorsiklo ng biktima na umano’y gumewang-gewang at saka nakaladkad ng truck pailalim na naging ugat ng agad na kamatayan ng biktima.

Ang driver ay nakapiit na sa QC police traffic dept para sa kaukulang disposisyon sa kaso.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with