^

Metro

Grab driver huli sa droga, baril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Grab driver huli sa droga, baril
Kinilala ni Quezon City Police District Director BGen Danilo Macerin ang suspek na si Lucman Manamparan, 43, at residente ng Quiapo, Manila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang armadong Grab driver ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director BGen Danilo Macerin ang suspek na si Lucman Manamparan, 43, at residente ng Quiapo, Manila.

Batay sa ulat ng QCPD Batasan Police Station (PS 6), na pinamumunuan ni Lt.Col. Romulus Gadaoni, nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi nang madakip nila ang suspek sa Commonwealth Avenue, malapit sa Kasunduan St. sa Brgy. Commonwealth.

Lumilitaw na bago ang pag-aresto ay isinailalim na ng mga awtoridad ang suspek sa close monitoring dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug activities.

Kaagad ding nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad kung saan isang pulis ang umaktong poseur buyer.

Nagpositibo naman ang transaksiyon at nakabili ng P11,000 halaga ng shabu mula sa suspek.

Gayunman, bago naaresto ang suspek ay nakahalata ito na pulis ang kanyang ka-deal at nagtangkang tumakas habang nagpapaputok ng baril sa mga awtoridad.

Tinugis naman siya ng mga pulis at tuluyang naaresto nang makorner sa area ng Commonwealth.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang may 12.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P85,000, dalawang cellular phone, isang pulang Sedan Hyundai Accent, isang .38 revolver SPL, armscor na may serial number na 1072386 at tatlong bala, at buy-bust money.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with