^

Metro

Minors sa Quezon City bawal sa mga pampublikong lugar

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Para maingatan sa banta ng COVID-19

MANILA, Philippines — Bawal ang mga menor-de-edad sa mga pampublikong lugar sa Quezon City.

Ito ay makaraang maaprubahan at lagdaan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-2985, S-2020, o ang “Quezon City Special Protection of Children against COVID-19” na nag-uutos sa mga taga-QC na may below 18-years old na dapat na manatili sa kanilang tahanan 24 hours a week para maingatan mula sa banta ng COVID-19.

“Ang Ordinansang ito ay batay sa rekomendasyon ng mga dalubhasa sa Philippine Pediatric Society. Ang kautusang ito ay para na rin sa kapa-kanan ng ating mga kabataan upang hindi na malagay sa panganib ang kanilang buhay,” dagdag ni Belmonte.

Sa ilalim ng ordinansa, ang mga minors ay hindi pinapayagan na mag-iikot, lumabas, manatili sa alinmang pampublikong lugar, solo man ito o kasama ang kanilang magulang o guardian.

Ang mga pampublikong lugar ay kalsada,  highway, sidewalks, parking lots, vacant lots, simbahan, apartment, buildings, office buildings, hospitals, schools, malls o shopping centers, commercial establishments, entertainment areas  tulad ng sinehan at katulad na mga lugar.

Exempted ang minors na lumabas kung pupunta sa authorized employment activity na kailangang personal na puntahan at basta kasama ang kanilang magulang o guardian.

Exempted din kung magpapakonsulta sa doktor, may dental appointments na kasama ang magulang at guardian, sasakay ng eroplano, barko sa labas o labas ng bansa na may pre-booked tickets at dapat kasama ang kanilang magulang at guardian.

Exempted din na lumabas para bumili ng essential goods kung walang ibang matanda na kasama sa bahay para gawin ito at mga minors na nasa emergency situation.

Ang mga magulang at guardians na lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P300 sa unang offense, P500 sa second offense at P1,000 sa 3rd offense.

vuukle comment

MINOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with