^

Metro

Biyahe na LRT-1, dumanas ng aberya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe na LRT-1, dumanas ng aberya
Batay sa inilabas na paabiso ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa LRT-1, nabatid na dakong alas-7:26 ng umaga nang magpatupad sila ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren mula Baclaran Station sa Parañaque City hanggang sa Balintawak Station sa Quezon City dahil sa naturang aberya.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dumanas ng aberya ang isang tren ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa area ng Balintawak, Quezon City, kahapon na nagresulta sa paglilimita sa biyahe nito.

Batay sa inilabas na paabiso ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa LRT-1, nabatid na dakong alas-7:26 ng umaga nang magpatupad sila ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren mula Baclaran Station sa Parañaque City hanggang sa Balintawak Station sa Quezon City dahil sa naturang aberya.

Ayon sa LRMC, kaagad naman silang nagpadala ng mga technician upang ayusin ang problema ng apektadong light rail vehicle (LRV). 

Hiniling din nito sa mga commuters na magdagdag ng travel time na hanggang walong minuto.

Makalipas naman ang ilang minuto o pagsapit ng alas-7:35 ng umaga ay inianunsiyo ng LRMC na nagpatupad sila ng ‘stop for safety’ sa Monumento hanggang Balintawak Station at hiniling na magdagdag ang commuters ng travel time na hanggang 15 minuto.

Tiniyak pa nito na patuloy na inaayos ng kanilang mga technician ang naging problema.

Kaagad din silang humingi ng paumanhin sa inconvenience na idinulot ng aberya. Inabot din ng halos isang oras bago tuluyang naibalik sa normal ang biyahe ng mga tren, ganap na alas-8:20 ng umaga, matapos na maisaayos ng engineering team ng LRT-1 ang problema.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with