^

Metro

Pulis,1 pang kasabwat timbog sa gunrunning

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang aktibong pulis at kasabwat nito na sangkot sa gunrunning activities sa Metro Manila.

Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang nahuling pulis na si Senior Staff Sergeant Reynaldo Ursulum, 50, kasalukuyang naka-assign sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng PRO-7 at residente ng Chavez St., Central Bicutan,Taguig City.

Arestado rin ang kasabwat nitong si Carvyn Parcon, 21, ng Doña Soledad Ave., Parañaque City.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na Bushmaster M4A1 carbines, isang PNP-issued Taurus 9mm pistol, magazine assemblies with live ammunition, ID at ATM cards at isang SUV na may plate number JUN 660.

Sinabi ni Ursulum na ang nasabing baril ay galing sa Alabang, Muntinlupa City.

Ikinasa ng CIDG ang operasyon kung saan bumili ng apat na assault rifles na nagkakahalaga ng P500,000  mula sa suspek bandang alas-10:00 kamakalawa ng gabi sa harap ng isang kilalang restaurant sa Parañaque City.

Binalaan naman ni Sinas na mananagot ang mga pulis na sangkot sa iliegal na aktibidad.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with