^

Metro

GCQ sa Metro Manila hanggang December 31, giit ng OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
GCQ sa Metro Manila hanggang December 31, giit ng OCTA
Ayon kay UP Professor Guido David ng OCTA Research Team, kailangang mapalawig ng hanggang sa katapuan ng Disyembre ang GCQ sa Kalakhang Maynila dahil hindi pa ito handa sa inaasahang pagre-relax sa quarantine dahil may mga indikasyon pa ng pagtaas ng kaso dito.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nais din ng OCTA Research team na ma-extend ang pagpapairal ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang December 31 ng taong ito.

Ayon kay UP Professor Guido David ng OCTA Research Team, kailangang mapalawig ng hanggang sa katapuan ng Disyembre ang GCQ sa Kalakhang Maynila dahil hindi pa ito handa sa inaasahang pagre-relax sa quarantine dahil may mga indikasyon pa ng pagtaas ng kaso dito.

Anya, may 15 percent ang itinaas ng COVID case sa Metro Manila o nasa 400 mula sa 350 noong nakaraang linggo.

Sinabi ni David na ang pagtaas ng kaso ay maaa­ring dulot ng pagtaas ng paggalaw, community transmission, o ng backlog sa COVID-19 testing.

Anya, malamang na tumaas pa ang kaso ng CO­VID- 19 kung luluwagan ang restriksyon sa MMLA.

Una nang nagdesisyon ang MMLA Mayors na i-extend ang implementasyon ng GCQ sa NCR hanggang matapos ang 2020.

vuukle comment

GCQ

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with