^

Metro

SAF member, 3 pa tiklo sa drug ops

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang apat na lalaki kabilang ang isa na miyembro ng PNP-Special Action Forces (SAF) sa isang anti-drug operations na ikinasa ng Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga naaresto na sina Edmund Jan Bautista, 33, na nagpakilalang miyem­bro ng SAF Batch 2017, at residente ng Barangka Drive, Mandaluyong City; Rodolfo Sumo, 46, ng Brgy. Tejeros, Makati; Julius Sacayan, 34, ng A. Dapo St., Pandacan, Maynila; at Richard Denosa,18, ng Brgy. Tejeros, Makati.

Nakatakas at tinutugis ng pulisya ang isa pang miyembro ng sindikato na nakilalang si Dennis Nevado, alyas “Toto Diokno”.

Sa ulat ng MPD-District Anti-Illegal Drugs Division, isang operasyon ang nagturo sa kanila sa pinagmumulan ng suplay ng ilegal na droga sa San Andres Bukid, Maynila na natunton sa grupo ng mga suspek na nag-ooperate sa katabing Brgy. Tejeros sa Makati City.

Isang follow-up buy-bust operation ang ikinasa ng mga pulis sa isang compound sa Montojo Street sa Brgy. Tejeros kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer. Matagumpay na nakabili ng droga ang buyer dahilan para salakayin na nila ang lugar at masakote ang apat na suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 8.22 gramo ng hihininalang shabu namay halagang P55,896 at ang P500 marked money na ginamit sa buy-bust.

vuukle comment

PDEA

SAF

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with