^

Metro

200 preso sa Navotas isinailalim sa libreng x-ray at COVID-19 test

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
200 preso sa Navotas isinailalim sa libreng x-ray at COVID-19 test
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, bagama’t x-ray lamang ang hiniling ng BJMP, mas minabuti nilang isailalim na rin sa COVID-19 test ang mga preso upang malaman kung ang mga ito ay infected ng virus.
Efigenio Toledo IV/File

MANILA, Philippines — Nasa 200 bilanggo sa Navotas City police ang sumailalim sa x-ray at COVID test bago ilipat sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas City Jail.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, bagama’t x-ray lamang ang  hiniling ng  BJMP, mas minabuti nilang isailalim na rin sa  COVID test ang  mga preso upang malaman kung ang mga ito ay infected ng virus.

Aniya, hindi biro ang  makakasama ng mga preso sa loob ng kulungan kung kaya’t dapat na malaman  kung sino ang  positibo at negatibo sa COVID test.

Nabatid na kailangan ding ma-x-ray ang mga detainees bago dalhin sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine at kung pagkatapos ay dadalhin sila sa Navotas City Jail.

Samantala, umaabot na sa 39,980 ang sumailalim sa swab test habang nasa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recove­ries, 57 active, at 157 ang

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with