^

Metro

Welder, todas sa metal frame

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang welder ang nasawi  nang tamaan sa ulo ng metal frame habang nagtatrabaho sa Quezon City, kamakalawa.

Naisugod pa sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Rey Obenza Hipolito, 53, ng Ilang-Ilang St.,  Area 2, Barangay Capri, Novaliches, Quezon City, ngunit idineklara na ring patay ng dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong alas-5:00 ng mada­ling araw, nang maganap ang aksidente sa JCD Metal Fabrickcore na matatagpuan sa P. Dela Cruz St. Brgy. San Bartolome, Novaliches, ­Quezon City.

Ayon kay P/MSg Roldan Cornejo, abala umano sa trabaho ang testigong si Joel Profugo nang makarinig na malakas na kalabog mula sa likuran.

Nang kaniyang tingnan ay nakita niyang tinamaan ng metal A-frame ang kasamahang welder.

Kaagad umano nila itong isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin naisalba pa ng mga doktor.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with