^

Metro

2 patay sa sunog sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang babae ang nasawi, habang sugatan ang anim na indibiduwal kabilang ang apat na fire volunteers sa sunog na naganap sa siksikang residential area, sa Tramo St., sakop ng Brgy. 43, Pasay City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi  na sina Cindy Navarro, 29   at Lyn Ebona, 39, na kapwa natagpuan sa nasunog at gumuhong bahay sa isinagawang mopping operation ng mga tauhan ng Pasay Fire Station.

Sa inisyal na ulat na ipinadala sa Southern Police District-Public Information Office (SPD-PIO) nagsimula ang sunog dakong alas-5:47 ng umaga sa inookupahang ikalawang palapag ng 5-storey apartment  ng isang  Joan Libanan, sa  Tramo St. Umakyat lang sa 2nd alarm ang sunog at idineklarang fire-out dakong  alas -7:53 ng umaga na puminsala sa 8-10 kabahayan .

Pansamantalang nanuluyan sa Rafael Palma Elementary School ng mga pamilyang nasunugan.

Tinatayang nasa P300-libo ang halaga ng ari-ariang napinsala.

Sa impormasyon, ang nasawing si Navarro ay bumalik sa loob ng bahay para iligtas ang anak subalit na-trap na ito sa apoy.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with