^

Metro

Higit 6K pamilya sa Pasay kabilang sa bagong batch na tatanggap ng ayuda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Higit 6K pamilya sa Pasay kabilang sa bagong batch na tatanggap ng ayuda
Sa kabuuan, nasa 26,557 kabuu­ang recipients ng SAP na ka­bilang sa first tranche o SAP ang nabigyan at mabibigyan ng ayuda.
STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Nasa 6,317 pamil­ya sa Pasay City ang makakatanggap na ng P8,000.00 financial assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP) na ang pamamahagi ay sini­mu­lan na noong naka­raang Martes.

Bukod ito sa hiwalay na batch na nasa 20,350 pamilya na na­­katanggap na ng SAP cash aid noong Oktu­bre 21 hanggang Nobyembre 4.

Sa kabuuan, nasa 26,557 kabuu­ang recipients ng SAP na ka­bilang sa first tranche o SAP ang nabigyan at mabibigyan ng ayuda.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano: “I am aware of the need of Pasayenos for this cash aid which was made possible by President Duterte. This aid is especially very important to those whose employment or livelihood was adversely affected as a result of the pande­mic, which has even made a heavy impact on our economy as a whole. This is why I have consistently been following this up with the DSWD central office. And, I am thus thankful when the DSWD told me that they were already about to implement this new payout.”

Ang mga bene­pis­yaryo ng SAP ay ma­­katatanggap ng text message na magsasabi kung maaari nang makuha ang  P8K cash sa Robinson’s Bank na ginawang service provider ng DSWD.

Samantala, sa mga nagpalit ng contact numbers o nawalan ng contact numbers na nakalagay sa kanilang SAP form ay pinayuhang makipag-ugnayan sa alinmang 12 PSWDD Unit Offices para mai-upate at ma­ayos ang data na ifo-forward sa RBank.  

Sa mga hindi naman agad maayos ang rekord o permanenteng nawalan ng contact numbers, isasama na lang sila sa malatatanggap ng cash aid sa pamamagitan ng Star Pay - Universal Storefront Services Corporation (Starpay-USSC), na iaanunsiyo kung kailan sisimulan.

 

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with