^

Metro

Halamang ‘Nilad’ ibabalik sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Manila City Mayor Isko Moreno ang isang programa na magbabalik sa halamang ‘Nilad’ na siyang pinagkunan ng pangalan ng siyudad.

Nakipagsanib ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB) para sa ikatatagumpay ng ‘Nilad for May­nila’ project.

Ang Nilad ay isang uri ng halamang palay na may mahahabang “stalk” at may bulaklak na puti at dilaw.  Dito hinango ang pangalan ng lungsod ng Maynila dahil sa napupuno ng naturang halaman ang siyudad noong bigyan ito ng pangalan.

Sa ilalim ng proyekto, plano na itanim at paramihin ito sa apat na lugar kabilang ang Baseco Beach, isang bakanteng lote malapit sa H2O Hotel, likuran ng STP building malapit sa Manila Yacht Club at mga plant boxes sa kahabaan ng Manila Baywalk.

Tutulong ang mga tauhan ng Department   of Public Services (DPS) ng Maynila sa DENR sa pagtatanim. Pakikilusin nila ang mga tauhan ng Team Mandaragat, Baseco Beach Warriors at Estero Rangers para sa programa.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with