^

Metro

Kelot itinumba sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Cesar Crisosto, Jr. nang matagpuan sa Warayan St. Brgy. 180 dakong 9:30 ng gabi at may tama ng bala sa ulo.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, iniulat ni Barangay Chairperson Teresita Ce­ralde ng Brgy. 180 ang insidente kay Amparo Police Sub-Station commander P/Lt. Bernardo Bautista na agad namang inatasan ang kanyang mga tauhan na kordonan ang lugar.

Narekober ng rumes­pondeng mga tauhan ng NPD Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pa­ngunguna ni P/Maj. Prestan Antonio sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang fired bullet mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril na isusumite sa NPD Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

 

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with