^

Metro

Yorme pinuri ang MPD sa paglilinis ng debris ni Ulysses

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Yorme pinuri ang MPD sa paglilinis ng debris ni Ulysses
“To the men and wo­men of the MPD, thank you. Inatasan ko kasi sila na manatili sa kanilang field of operation sa kasagsagan ng bagyo. Mahirap at delikado po pero tumugon sila,” ani Moreno.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Pinuri ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni P/Ge­neral Rolando Miranda sa pag-ako na linisin mula sa nagkalat na debris sa kalsada sa kasagsagan ng bagyong Ulysses kahit hindi na sakop ng kanilang trabaho.

“To the men and wo­men of the MPD, thank you.  Inatasan ko kasi sila na manatili sa kanilang field of operation sa kasagsagan ng bagyo. Mahirap at delikado po pero tumugon sila,” ani Moreno.

“May mga nagtataka bakit ang mga pulis tumutulong magtabi ng mga debris. Nag-volunteer sila na kahit ‘di na nila task ginawa nila. I am so proud of you MPD. Sa lahat ng pulis-Maynila, thank you very much sa inyo,” ayon sa alkalde.

Iniulat din ni Miranda kay Moreno na walang insidente ng typhoon-related deaths, missing persons, looting o stran­ded vehicles na naitala sa pananalasa ng bagyo.

Kasabay nito, pinasalamatan din ni Moreno ang mga mamamayan ng Maynila kaugnay sa naiabot na tulong ng pamahalaang lungsod sa mga residente ng Marikina City na matin­ding napinsala ng bagyo.

Sinabi ng alkalde na nagpadala na ang pamahalaang Lungsod ng Maynila ng food packs, medicines at bottled water sa Marikina City.

Nilinaw niya na pinag­handaan naman ang pananalasa ng bagyo kaya may pondo, subalit may sobra naman kaya ipinadala ito bilang tulong sa kalapit na lungsod na grabeng naapektuhan dahil sa pagbaha.

vuukle comment

ISKO MORENO

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with