^

Metro

Damage assessment, clearing ops sa tinamaan ni Ulysses sa Quezon City, iniutos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Damage assessment, clearing ops sa tinamaan ni Ulysses sa Quezon City, iniutos
Anya ni Mayor Joy Belmonte, patuloy na nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng malawakang clearing ops sa mga lugar na higit na sinalanta ng naturang bagyo.
Walter Bollozos

QUEZON CITY, Philippines — Inatasan ni Quezon City  Mayor Joy Belmonte ang ­Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na isentro ang pagsasagawa ng damage assessment at clearing operations  sa mga lugar sa lugsod na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

“Napakalaking bagay ito dahil nakita natin kung paano pa mapapaganda at mapapabilis ang serbisyo ng lokal na pamahalaan tuwing may kalamidad,” pahayag ni mayor Belmonte.

Anya, patuloy na nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng malawakang  clearing ops sa mga lugar na higit na sinalanta ng naturang bagyo.

“We want to do it as quickly as we can to restore normalcy,” dagdag ni Belmonte.

Sinabi ni QC-DRRMO head Myke Marasigan, bukas naman ang lokal na pamahalaan sa anumang suporta na maipagkakaloob ng pamahalaan at pribadong sektor para higit na mapabilis ang  clearing operations.

Muli namang pinasalamatan ni Belmonte  ang mga taga- QC sa ginawang kooperasyon sa panawagan na agad lumikas sa mas ligtas na lugar ang mga nasa waterways at  low-lying areas kayat zero casualty  sa lungsod.

May 3,221 pamilya o may 11,266 residente ang nailikas ng lokal na pamahalaan sa mga evacuation center sa QC bago manalasa si Ulysses.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with