^

Metro

Buwanang allowance sa mga stude sa Maynila, tuluy-tuloy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy sa pag-alalay ang Manila City Government sa mga mahihirap na mag-aaral sa lungsod sa pamamagitan nang pagbibigay ng buwanang allowance sa mga mag-aaral upang walang dahilan upang hindi magsumikap na makatapos ng pag-aaral.

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno, sa mga mag-aaral na ang pamahalaang lungsod sa sarili nitong maliit na paraan ay susubukan ang makakaya upang matulu­ngan na makaraos sa pag-aaral sa pamamagitan ng P500 buwanang allowance para sa Grade 12 at P1,000 naman para sa mga nasa Pamantasan ng Lungsod Maynila at Universidad de Manila.

Payo niya, kung nakakaranas ng kahirapan sa ngayon, ang edukasyon ang magdadala sa kanila para sa mas maginhawang pamumuhay.

“Edukasyon, edukasyon, edukasyon… will bring you somewhere better. Imbes na sisihin ko ang nanay or tatay ko dahil mahirap kami, wala akong baon sa pagpasok sa eskuwela, pinilit kong maging magaling na estudyante,” aniya.

Samantala, sinuspinde ni Moreno ang mga klase kahapon dahil sa mahinang pagkakakonekta sa internet, isang kinakailangan sa mga klase sa online.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with