^

Metro

Makati, Muntinlupa at Navotas, sumaklolo sa Marikina

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumaklolo ang mga lungsod ng Makati, Muntinlupa City at Navotas sa  mga mamamayan ng Ma­rikina City na matinding naapektuhan sa panana­lasa ng bagyong Ulysses.

Sa panawagan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga kalapit na LGUs para sa rescue ope­rations ng mga residente ng lungsod na na-trap sa kanilang mga bubungan dahil sa pagtaas ng baha, agad iniutos ni Makati City Mayor Abby Binay sa Makati Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang 9 na tauhan ng Search and Rescue team, dalawang rescue boat, isang ambulansiya at isang emergency response recue vehicle sa Barangay San Roque, Marikina.

 Ani Binay, nakahandang tumulong anumang oras ang Makati LGU sa ibang kalapit na lungsod.

 Ang Muntinlupa LGU naman ay nagpadala ng dalawang rescue boats at  isang Water Search and Rescue Team ng  Muntinlupa City Disaster Risk Reduction Management (MCDDRM) upang tumulong din sa paglilikas ng mga binahang residente ng Marikina.

 Ayon sa Muntinlupa Public Information Office, sa tweet ni Vice President Leni Robredo, pinuri nito si Mayor Jaime Fresnedi dahil sa isa sa LGUs na unang nagpadala ng tulong sa Marikina.

Maging ang lungsod ng Navotas ay nagpadala rin ng saklolo sa Marikina sa pagsapit sa mga na-trap na residente sa mataas na pagbaha.

 

vuukle comment

MARIKINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with