^

Metro

Higit isang libong pamilya inilikas sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit isang libong pamilya inilikas sa Maynila
Ang mga residente na makikitang dumaraan sa mataas na tubig baha sa Sucat Road sa Parañaque City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umabot sa 1,065 pamilya na nakatira sa danger zones  ang nagkusa at sapilitang inilikas ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Manila Police District (MPD) sa  pananalasa ng bagyong Ulysses sa Metro Manila.

Sa ulat ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) dakong alas-10 kahapon ng umaga, nasa kabuuang 4,296 indibiduwal ang kinakanlong nila ngayon sa iba’t ibang evacuation centers.

Sinabi ni Ma. Asuncion Fugoso, officer-in-charge ng MDSW, nasa 522 pamilya o 2,146 indibiduwal buhat sa District 1 (Tondo) ang inilikas sa evacuation centers sa Tondo Community Initiaves (TCI), Brgy. 101 covered court and chapel, Brgy. 105 covered court at Rosauro Almario Elementary School sa Brgy. 20 Isla Puting Bato.

May 89 pamilya o 350 katao buhat sa District III naman ang dinala sa Brgy. 275 Rosauro Almario Elementary School, at P. Guevarra Elementary School sa Brgy. 275 at Brgy. 286.

May 416 pamilya o 1,693 indibiduwal ang dinala sa Baseco Evacuation Center at HJ Atienza Elementary School habang 38 pamilya o 109 indibiduwal ang nasa Aurora Quezon Elementary School sa Brgy. 668 at Brgy. 669.

Sinabi ni Fugoso na binigyan ang mga evacuees ng ‘family disaster cards’, psychological support, modular tents at sleeping mats habang kumpleto rin sa pagkain.

Isinugod naman sa Ospital ng Maynila ang 60-anyos na evacuee na si Julito Baruela dahil sa kundisyon niya na pagiging stroke patient.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with