‘Heightened alert’ sa mga korte itinaas
MANILA, Philippines — Nagpatupad ng ‘heigh-tened alert’ sa seguridad sa korte sa bansa ang Supreme Court makaraan ang pamamaril kay Manila Regional Trial Court Judge Ma. Theresa Abadilla nitong Miyerkules ng hapon.
Iniutos ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Pe-ralta kay Court Administrator Jose Midas Marquez na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad upang matiyak na hindi na mangyayari ang kahalintulad na insidente.
Nagpahayag din ng pakikidalamhati si Peralta sa pagpanaw ng 44-anyos na si Abadilla na mistulang kapamilya na rin umano niya. Unang nagtrabaho umano si Abadilla bilang law clerk sa Supreme Court ng higit isang dekada bago naging huwes.
“The passing of Judge Abadilla is indeed a big loss to the Judiciary because I personally know her to be an upright and highly competent magistrate,” ayon kay Peralta.
Samantala, wala pang ibang nakikitang mas matibay na motibo ang Manila Police District (MPD) sa pamamaril ni Atty. Amador Rebato Jr., 42, clerk of court, kay Judge Abadilla.
Maliban dito ang pagiging ‘depress’ ni Rebato na dinapuan ng COVID-19 noong Agosto hanggang sa guma-ling at makabalik sa trabaho. Ngunit bumagsak umano ang pagiging epektibo sa kaniyang posisyon ni Rebato.
Ayon sa kapatid ni Rebato, sinamahan pa niya ito para pormal nang magpaalam kay Judge Abadilla.
Nasawi rin si Rebato nang hinihinalang nagbaril sa sarili makaraan ang pamamaril sa huwes.
- Latest