^

Metro

Nasibak na pulis, kasabwat na holdaper tiklo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang da-ting pulis at kaniyang kasama makaraang madakip sa isang police checkpoint at madiskubre sa kanila ang dalawang ilegal na baril, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Reynaldo Nuque Jr., 40-anyos, dating pulis na nakatalaga sa Northern Police District (NPD)-Caloocan Police Station at nakatira sa Gov. Pascual Avenue, Brgy.Tugatog, Malabon City at kaniyang kasamahan na si Felizardo Pablico, 49, ng Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3, dakong alas-10 ng Martes ng gabi nang madakip ang dalawa sa police checkpoint sa may kanto ng Rizal Avenue at Aurora Boulevard sa Sta. Cruz.

Pinara ng mga pulis ang dalawa dahil sa pagiging riding-in-tandem at kapwa walang suot na helmet.  Dito napansin ng mga pulis ang nakabukol sa tagiliran ng dalawa na kinalaunan ay nadiskubreng mga baril.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na rebolber at siyam na bala habang kinumpiska rin ang sinasakyan nila na Yamaha motorcycle na may plakang AD 20864 para makumpirma kung sino ang may-ari.

Nabatid na kagagaling pa lamang ng dalawa sa panghoholdap sa isang mag-asawa sa Sampaloc, Maynila bago sila masita sa checkpoint. Tinangay ng dalawa ang nasa P7,000 pera ng mga biktima na pampuhunan sana sa kanilang negosyo.

Nabatid na taong 2017 nang mag-AWOL si Nuque hanggang sa masangkot na sa serye ng panghoholdap sa Camanava, Maynila hanggang Bulacan. (Sanilo Garcia)

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with