UPCAT itinigil muna dahil sa pandemya
MANILA, Philippines — Kinansela ng University Council ng lahat ng University of the Philippines System ang UP College Admission Test (UPCAT) para sa school year 2021-2022.
Sa social media account ng UP Diliman, sinabi nitong walang magaganap na anumang admission test dahil sa pandemya.
Kaunay nito, inatasan ng University Council ang Office Admissions na gawin ang UPCAT sa sandaling wala ng banta ang covid-19 sa bansa.
Pinayuhan din ng UP ang publiko na magtungo sa website upcat.up.edu.gov.ph o kaya ay sa Facebook page ng unibersidad upang malaman ang mga bagong impormasyon na may kaugnayan sa UPCAT.
- Latest