^

Metro

2 senior citizen, paslit natusta sa sunog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 senior citizen, paslit natusta sa sunog
Ayon kay City Fire Director Supt. Aristotle Bañaga, dakong alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan hindi nagawang makalabas ng kanilang bahay ang tatlo kaya’t kasama silang nasunog.
Image by Alexas_Fotos from Pixabay

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizens at isang  paslit ang  nasawi sa sunog na sumiklab kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Beatris Oralio Alegria, 64,Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3, pawang nani­nirahan sa  Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. 182.

Ayon kay City Fire Director Supt. Aristotle Bañaga, dakong alas-2 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa loob ng bahay ng mga biktima kung saan hindi nagawang makalabas ng  kanilang bahay ang tatlo kaya’t kasama silang nasunog.

Kuwento ng dalawang kaanak ng mga nasawi, lumabas sila ng bahay para kumain subalit, pagbalik nila ay natupok na ng apoy ang kanilang bahay.

Dakong alas-2:34 ng madaling araw nang ideklara ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) na under control ang sunog at tuluyang naapula bandang alas-2:41 ng madaling araw.

Wala namang ibang bahay ang nadamay sa insidente habang tinatayang nasa P150,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 Sinabi ni Supt. Bañaga, kabilang sa kanilang mga tinitignan na posibleng dahilan ng insidente ay napabayaang kandila dahil wala umanong kuryente sa naturang bahay at kandila ang gamit ng pamilya upang magka-ilaw.

 

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with