^

Metro

Quezon City wala nang lugar na nasa ilalim ng lockdown - Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang tinanggal kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Special Concern Lockdown (SCL) sa mga lugar na dati’y maraming kaso ng  naturang COVID-19.

Sa anunsyo kahapon ni  Mayor Belmonte na ang huling nasa ilalim ng SCL sa Alleys 1 at 2 sa  Block 17, Brgy. Bungad ay inalis na dahil wala nang kaso dito ng COVID-19.

Una nang natanggal ang pagpapatupad ng lockdown sa ilang bahagi ng Iba Street sa Brgy. Paang Bundok at tatlong street sa  Zytec Riosa Compound sa Brgy. Pasong Tamo dahil wala na ring naitalang kaso ng COVID dito.

“This is another positive development in our fight against the virus. This is another indication that we’re headed in the right direction, in addition to the drop in number of our active cases”,  pahayag ni  Belmonte.

Gayunman, nanawagan si Belmonte sa mga taga-QC na patuloy pa ring mag-ingat at huwag magpapabaya at laging sundin ang ipinatutupad na health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, paghugas ng kamay,  at social distancing upang makaiwas sa muling pagsulpot ng virus sa kanilang lugar.

“Wala na tayong nakikitang posibleng local o community transmission sa mga lugar na ating binabantayan kaya hindi na kailangan ang SCL sa ngayon,” pahayag naman ni City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) head Dr. Rolly Cruz.

Mula noong buwan ng Mayo ngayong taon, 68 lugar na may halos 11,134 pamilya ang naisailalim sa SCL. 

Sa kasalukuyan, umabot na sa 94% ang recovery cases sa QC mula noong magkaroon ng community transmission ng COVID-19.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with