^

Metro

86 Immigration personnel kinasuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
86 Immigration personnel kinasuhan
Kabilang sa kinasuhan ay ang walong opisyal ng BI kasama na si dating Commissioner Marc Red Mariñas na siyang itinuturong mastermind ng sindikato.
The STAR/Edd Gumban, file

Dawit pa sa ‘Pastillas Scheme’

MANILA, Philippines — Nagharap na ang National Bureau of Investigation (NBI)   ng kasong kriminal at administratibo   laban sa 86 opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa kontrobersyal na ‘pastillas scheme’.

Kabilang sa kinasuhan ay ang walong opisyal ng BI kasama na si dating Commissioner Marc Red Mariñas na siyang itinuturong mastermind ng sindikato.

Parte rin umano ng ilegal na operasyon ang lahat ng pinuno ng Terminal Control and Enforcement Unit ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, 2 at 3 at lahat ng pinuno ng Border control and Intelligence Unit.

Sa 86 na kinasuhan, 19 dito ay kabilang sa unang batch na sinampahan ng kaso ng NBI at ang 67 dito ay mga bagong personalidad.

Bukod sa pera na ibi­nabalot sa diyaryo kung saan nakuha ang salitang pastillas, ilan sa mga sinampahan ng kaso ay tumanggap din ng mga regalo, ma-ging sex sa mga dayuhang babae na pumapasok sa bansa bilang sex workers.

Kumpiyansa si NBI Special Action Unit chief, Atty. Jun Donggalo na malakas ang kanilang kaso laban sa 86 personalidad ng BI na mula sa mga ebidensya at matibay na testimonya  ng ikalawa nilang ‘whistle-blower’ na si Dale Ignacio na nagkumpirma sa mga ipinagtapat ng una nilang saksi na si Immigration Officer Allison Chiong.

Dahil sa papel ni Ignacio sa imbestigasyon, hiniling ng NBI sa Ombudsman na tanggalin siya sa mga sasampahan ng kaso at ma-ging saksi ng pamahalaan.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with