^

Metro

P60 milyong puslit na sigarilyo, nasabat ng BOC-MICP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P60 milyong puslit na sigarilyo, nasabat ng BOC-MICP
Sa ulat ng BOC nasabat ang kargamento ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at X-Ray Inspection Unit (XIP) kamakailan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Muling nakasabat ang Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) ng milyong halaga ng mga puslit na sigarilyo.

Sa ulat ng BOC nasabat ang kargamento   ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at X-Ray Inspection Unit (XIP) kamakailan.

Nakapangalan ang shipment sa Ocean World Enterprises at idineklara ang mga produkto  na mga karton, furnitures, bags at iba pa. Ngunit nang isailalim sa inspeksyon, dito nadiskubre na naglalaman ang shipment ng 500 master cases at 1,198 kahon ng sigarilyo mula sa China na tinatayang nagkakahalaga ng P60 milyon.

Sa kasalukuyan, kabuuang 11 shipment ang iniimbestigahan ng mga awtoridad dahil sa hina­lang may kinalaman ito sa ilegal na importasyon ng mga sigarilyo.

Ang importer naman ng mga naturang items ay mahaharap sa kasong paglabag sa section 1400 in relation to section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), gayundin ng kasong paglabag sa Bureau of Internal Revenue (BIR) guidelines and regulations, at pertinent National Tobacco Authority (NTA) Memorandum.

Iginiit ng Port na ang pagpupuslit ng mga items gaya ng mga sigarilyo at iba pang illicit at regulated goods ay mahigpit na ipinagbabawal at may katapat na matinding kaparusahan sa ilalim ng batas.

Tiniyak pa nito na ang MICP ay nananatiling matatag sa mandatong protektahan ang mga hangganan ng bansa sa ilalim ng patnubay ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

vuukle comment

MICP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with