^

Metro

Mahigit 2,000 UV Express, balik-pasada na!

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mahigit 2,000 UV Express, balik-pasada na!
Ayon sa LTFRB hindi na kailangang kumuha ng special permits ang mga UV express operators pero kailangang gamitin ang downloadable QR (quick response) code at palagiang sundin ang minimum health at safety stan­dards sa loob ng naturang sasakyan.

MANILA, Philippines — May 2,428 mga UV Express sa may 20 ruta sa Metro Manila ang pinayagan magbalik-pasada simula kahapon, ayon sa Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bunga nito, umaabot na ngayon sa kabuuan ng  6,755 UV Express  ang nakakapa­sada na  sa 118 inaprubahang mga ruta ng LTFRB para sa naturang mga sasakyan sa Metro Manila .

Ang mga bagong ruta ay ang Karuhatan puntang North Road Rail Station Terminal, Karuhatan puntang SM North EDSA/Trinoma, Ro­binson’s Novaliches puntang  Vito Cruz at Buendia, Rosario puntang  McKinley Hills, San Bartolome puntang MRT North Ave, San Roque  puntang Commonwealth Market, SM Fairview puntang  Buendia at TM Kalaw.

Ang iba pang ruta ay  SM North papuntang TM Kalaw, SM South Mall puntang Quiapo, Southmall puntang Lawton, Sto Niño puntang Ayala at Ortigas Center, Sucat puntang  Lawton, Tandang Sora puntang TM Kalaw, Trinoma puntang Ro­binson’s Novaliches, Rodriguez puntang Ara­neta Cubao; at Montalban Central Terminal puntang Cubao Central Terminal.

Ayon sa LTFRB  hindi na kailangang kumuha ng special permits  ang mga UV express operators pero kailangang gamitin ang downloadable QR (quick response) code at palagiang sundin ang minimum health at safety stan­dards sa loob ng naturang sasakyan.

Ang mga pinayagang pampasaherong sasakyan na makapasada muli ay napatunayang roadworthy at may valid na franchise at may Personal Passenger Insurance Policy.

 

vuukle comment

UV EXPRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with