^

Metro

Biyahe ng mga tren, EDSA Busway kanselado sa bagyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng mga tren, EDSA Busway kanselado sa bagyo
Sa anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), suspendido ang mga biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR) bilang paghahanda sa posibleng impact ng bagyo.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines  — Kanselado muna ang mga biyahe ng mga railways sa Metro Manila kahapon dahil sa bagyong Rolly.

Sa anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), suspendido ang mga biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR) bilang paghahanda sa posibleng impact ng bagyo.

Samantala, ala-1:00 ng hapon kahapon nang mag-suspend din ng ope­rasyon ang EDSA Busway.

Bunsod na rin ito ng masamang panahon sa National Capital Region (NCR), dala ng super bagyo.

Matatandaang Linggo ng umaga nang itaas ng PAGASA ang Signal No. 4 sa Metro Manila.

Samantala, tiniyak naman ng DOTr na preparado na sila at lahat ng kanilang attached agencies ay nasa full alert status na.

Mahigpit din ang paalala ng DOTr sa lahat na mag-ingat at maging mapagbantay dahil sa napipintong pagdating ni Typhoon Rolly.

Sakali umanong kailanganin ng tulong ay maaaring kontakin ng mga mamamayan ang DOTr at kanilang mga attached agencies sa kanilang mga emergency numbers.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with