^

Metro

Billboards sa EDSA, binaklas dahil sa bagyong Rolly

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Billboards sa EDSA, binaklas dahil sa bagyong Rolly
S i n i m u l a n nang tiklupin kahapon ang mga higanteng billboard bilang paghahanda na rin sa bagyong Rolly na posible umanong maging ‘super typhoon’ . (Kuha ni Boy Santos)
Boy Santos

MANILA, Philippines— Sinimulan nang baklasin at tiklupin ang nag­lalakihang billboard na nakalatag sa ka­habaan ng EDSA.

Ito ay bunsod na rin ng pagbabanta ng malakas na hangin na posibleng dalhin ng bagyong Rolly na nakapasok na sa Phi-lippine Area of Responsibility (PAR).

Mula sa bahagi ng Ba­­lintawak, EDSA North  Ave­­nue hanggang sa Cubao at Ortigas ay marami ng mga natiklop kung hindi man pansamantalang tinanggal ang mga billboards. Maging sa C-5 sa kanto ng Katipunan Ave­nue ay tiniklop na rin ang dambuhalang tarpaulin.

Ang pansamantalang pagtatanggal sa mga billboard ay isang panuntunang ipinatutupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na kapag may babala nang pagtama ng bagyo ay dapat may pag-iingat sa posibleng pagbagsak nito dahil sa bugso ng malakas na ha-ngin.

Batay sa latest bulletin ng PagAsa, lalo pang lumakas ang bagyong Rolly na ang puntirya ay Central Luzon at isa sa posibleng makaranas ng epekto nito ay ang Metro Manila.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with