254 City hall employees sa Quezon City, ginawang regular ni Mayor Joy Belmonte
MANILA, Philippines— Nasa 254 empleyado sa Quezon City hall na karamihan ay may mahigit nang 20-taon na nagtatrabaho bilang contractual ang ginawa nang regular ni Mayor Joy Belmonte.
Isa sa na-regular si Brgy. Pasong Tamo Teacher Precy Linag, 55, na may 22 taon ng empleyado bilang contractual employee sa City’s Social Services and Development Department.
Ang pagre-regular sa naturang mga empleyado ay dumaan sa masusing pagbusisi ng Human Resource Merit Promotion and Selection Board (HRMPSB) sa isinagawang hearing ng tanggapan.
Una nang nag-utos si Mayor Joy Belmonte na agad isagawa ang regula-rization processes sa mga empleyadong ilang dekada ng nagtatrabaho at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagiging regular.
Ang hakbang ay isa sa pangako ni Mayor Belmonte na mabigyan ng job security ang mga tauhan sa local government.
Si Linag ay sumasahod kada buwan ng P5,000 hanggang P10,000 sa loob ng mahigit 20 taon at ngayon lamang sa panahon ni Mayor Belmonte ay matitikman na ang benepisyo ng isang regular employee. Umaabot na ngayon sa P13,000 kada buwan ang sahod ni Linag.
Niliwanag naman ni Ronald Tan, officer-in-charge ng QC Human Resource Management Department (HRMD) na delay ang regularization ng ilang empleyado dahil sa mga nagdaang administrasyon ay saka lamang naisasagawa ang screening at regularization kapag tapos na ang kanilang termino.
- Latest