^

Metro

Backride sa tricycle, puwede na sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Papayagan na simula sa Nobyembre 2, ang backriding sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020. Gayunman, kailangan umano na may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.

Aniya may sapat na araw ang mga tricycle dri-ver na maglagay ng plastic barrier na pangunahing requirement upang ma-kabiyahe.

Kailangan ding nasusunod ang minimum health standards, katulad ng pagsuot ng mask at face shield ang driver at kanyang pasahero.

Paalala pa ng alkalde, isang pasahero pa rin ang papayagan na sumakay sa loob ng sidecar at lahat ng bibyahe ay kailangang sumunod sa health at safety protocols.

Kaugnay nito, sa inila­bas na fare matrix ng pamahalaang lungsod, P12 na ang minimum fare ng kada pasahero ng tricycle at magdadagdag ng P2 sa kada susunod na kilometro.

Para naman sa special trip, P24 na ang babayaran ng kada pasahero simula sa terminal at magdadag­dag ng P4 kada susunod na kilometro.

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with