^

Metro

12 pamilyang nabagsakan ng malaking puno ang mga bahay, humihingi ng tulong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
12 pamilyang nabagsakan ng malaking puno ang mga bahay, humihingi ng tulong
Umaapela ng tulong sa pamahalaan ang 12 pamilyang nawalan ng bahay kamakailan matapos na mabagsakan ng isang malaking puno sa Brgy. UP Campus, sa Quezon City.
AFP/Charism SAYAT

MANILA, Philippines  — Umaapela ng tulong sa pamahalaan ang 12 pamilyang nawalan ng bahay kamakailan matapos na mabagsakan ng isang malaking puno sa Brgy. UP Campus, sa  Quezon City.

Nabatid na  isang higanteng ipil-ipil tree ang bumagsak sa mga bahay, na matatagpuan sa Pook Arboretum, dahil sa malakas na hangin.

Posibleng lumambot umano ang lupang nakapaligid sa puno dahil sa walang tigil na ulan na dala nang nagdaang bagyo , kaya’t nabunot ito at bumagsak.

Halos wala nang natira sa ilang bahay at may ilan namang na-trap ngunit nailigtas din habang isang bata rin ang iniulat na nasugatan.

Dahil sa pangyayari, wala nang natuluyan ang mga residente nang manalasa naman ang bagyong Quinta kamakailan.

Umaapela ngayon ng tulong ang mga biktima na ang ilan ay naninirahan sa isang jeep habang mayroong nakikisulong sa mga kapitbahay at kaanak.

Anila, nabibigyan naman daw sila ng relief packs pero mas kailangan umano nila ang  mga   materyales upang maitayong muli ang kanilang mga tahanan.

“Sana matulungan kami na maitayo ‘yung bahay ulit,” apela pa ng mga ito.

vuukle comment

UP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with