^

Metro

3 arestado sa higit P20 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 arestado sa higit P20 milyong  shabu
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jaynard dela Rosa Pamittan, John Jever Gujilde at isang alyas Nel, na isang menor-de-edad.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Mahigit P20 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa tatlong drug suspects na nadakip  sa isang buy-bust operation sa Taguig City, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jaynard dela Rosa Pamittan, John Jever Gujilde at isang alyas Nel, na isang menor-de-edad.

Batay sa ulat ng PDEA, dakong alas-6:30 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa open parking lot ng isang mall sa Taguig City.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Nang makumpirma ang ulat, nakipagtransaksiyon ang mga awtoridad sa mga suspek at nagkasa ng isang buy-bust operation.

Kaagad namang inaresto ang mga suspek matapos na bentahan ng shabu ang isang poseur buyer.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000, dalawang mobile phones at isang itim na Honda City  na ginagamit ng mga suspect sa kanilang operasyon.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with