Hand washing campaign ng Maynilad, pinalakas pa
MANILA, Philippines — Higit pang pinalakas ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang kanilang hand washing campaign sa pamamagitan ng pagkakaloob ng donasyon na hand-wash stations at sabon sa ibat-ibang local government units (LGUs) at public schools. Ang Maynilad ay magtatayo ng 26 hand-wash stations sa kanilang West concession area, at 12 dito ay naitayo na sa public markets, health centers, at city halls. Nagkakaloob din ang Maynilad ng 1,170 one-liter liquid hand soaps sa naturang hand wash stations.
“We thank Maynilad for this very timely donation. These hand-wash stations are a big help as we combat the spread of COVID-19 in our city,” pahayag ni Parañaque mayor Edwin Olivarez. Una nang nag donate ang Maynilad ng 1,878 one-gallon bottles ng liquid hand soaps at disinfectants sa ibat-ibang paaralan bilang suporta sa Department of Education’s (DepEd) Brigada Eskwela 2020 program. May 250 posters din na naibigay ng Mayniald na nagsasaad ng tamang paghuhugas ng kamay para sa DepEd-Quezon City Schools Division Office.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng month-long activities ng Maynilad sa pagdiriwang ng Global Handwashing Day.
- Latest