^

Metro

Motoristang nagpapakabit ng RFID, dagsa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Motoristang nagpapakabit ng RFID, dagsa
Nagsimula ang pagkakabit ng stickers ganap na alas-9:00 ng umaga sa puwestong binuksan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa QCMC.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Dagsa ang mga moto­rista na naghahabol sa pagpapakabit ng radio frequency identification (RFID) na magiging mandatory na sa mga sasakyang daraan sa mga expressway simula sa Nob. 2, 2020.

Sa Quezon City Memorial Circle, mahabang pila ng mga sasakyang nagpapakabit ng Easytrip RFID stickers ang nasumpungan na nagdulot sa pagsisikip ng daloy ng trapiko kahapon.

Nagsimula ang pagkakabit ng stickers ganap na alas-9:00 ng umaga sa puwestong binuksan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa QCMC.

Gayunman, dahil sa rami ng mga motoristang nais magpakabit ng stickers ay humaba ang pila ng mga ito at nagkaroon ng pagsisikip ng daloy ng trapiko, sa mga kalsada sa lugar.

May ilang motorista ang alas-7:00 ng umaga ay pumila na ngunit hapon na nang makabitan ng stickers ang mga ito.

Bukas dapat ang QCMC sa mga sasakyan na magpapakabit ng RFID hanggang alas-5:00 ng hapon, ngunit alas-3:00 ng hapon pa lamang ay nag-cut off na dahil sa rami ng mga motoristang pumila.

Nasa 300 sasakyan ang nakabitan ng stickers sa QCMC.

Libre lamang naman ang RFID sticker at ang kailangan lamang bayaran ng mga motorista ay ang initial load na P500 para sa Class 1 vehicles at P1,000 naman para sa Class 2 at Class 3 vehicles. 

Maging sa mga tollgate ng SLEX, NLEX, CAVITEX at iba pang expressway ay matindi ang pila ng mga motorista na nagpapalagay ng RFID.

Ang pagdagsa ng mga motoristang nagpapakabit ng RFID stickers sa ngayon dahil simula sa Nobyembre 2 ay sisimulan na ng pamahalaan ang cashless transactions sa mga expressways para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

 

vuukle comment

RFID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with