^

Metro

‘Reflectorized delineators’ sa Roxas Boulevard ‘di pinatawad ng kawatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Hindi pinatawad ng dalawang kawatan ang inilagay na mga  ‘reflecto­rized delineators’ sa center island ng Roxas Boulevard, panulukan ng Quirino ­Avenue, sa Malate, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Kaagad namang naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Michael Saludario, 28, ng Parañaque City; at Eddie Garlit, 45, ng   Malate, Maynila, na kapwa nahaharap sa reklamong theft.

Nabatid  sa ulat ng MPD-Station 9 alas- 9:00 ng gabi ng Oktubre 23.

Tumayong complainant ang isang Pablo Naron, 58, kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  South Manila District Engineering Office.

Sa imbestigasyon, noong Oktubre 19, 2020 nang maghain ng reklamo si Engineer  Mikunug D Macud, district engineer  ng DPWH South Manila kaugnay sa pagkawala ng ilang pirasong reflectorized delineators  sa center island ng R. Blvd. Southbound.

Agad namang pinakilos ni MPD Station 9 commander, P/Lt. Colonel Ro­bert B Sales,  kaya nagsagawa nang imbestigasyon hanggang sa bantayan ang mga taong tumatambay sa lugar.

Naaktuhan ng mga pulis ang pagbaklas ng dalawang suspek sa 3 pang pirasong reflectorized delineators  na nagkakahalaga ng P3,000.00 sa lugar kung saan una na silang nagsagawa nang pagbabaklas.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with