^

Metro

Pagpatay sa isang rider sa Valenzuela, planado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Pagpatay at pagnanakaw ng tandem sa isang company messenger, planado. Hindi lamang pagnanakaw ang motibo sa pagpaslang sa rider na si Luigi Hernando kamakailan sa Valenzuela City.

Ito ang binigyan diin ni Valenzuela Police chief  Colonel Fernando Ortega sa pagsasabing planado ang pagpaslang sa biktima.

“Ang primordial intent niya is ‘yung murder. Secon­dary lang ‘yung pagkuha ng pera,” ani Ortega.

Paliwanag ni Ortega, bagama’t kita sa CCTV na pagnanakaw ang motibo, may nakita rin silang ebidensiya na  ang krimen ay planado. .

Tumanggi naman si Ortega na ibunyag pa ang kanilang imbestigasyon sa pangamba na ma preempt  ito.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem si Hernando noong Oktubre 9 sa Barangay Paso de Blas habang papauwi na mula sa banko. Nang matumba ang biktima, kinuha ng mga salarin ang bag ni Hernando na may lamang pera at tinangay din ang kaniyang motorsiklo.

Ang biktima, nagtatrabaho bilang messenger at collector sa isang kompanya.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with