^

Metro

7-anyos ayaw kumain, napatay ng ama

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
7-anyos ayaw kumain, napatay ng ama
Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Johncel Pedriguez, 7 taong gulang, residente ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang hari, Taguig City.
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Patay ang isang paslit nang puwersahang salpakan ng pagkain at bugbugin sa ulo at katawan ng sariling ama dahil sa ayaw umano kumain sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Johncel Pedriguez, 7 taong gulang, residente ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang hari, Taguig City.

Arestado naman at nakatakdang sampahan ng kasong parricide ang suspek na si Arnold Perdiguez Y Libanos, 28-anyos, matapos pormal na maghain ng reklamo ang live-in partner niya, na ina ng biktima, na si Luz Montales y Cadina.

Sa imbestigas­yon ng Taguig Police Station, dakong alas 9:00 ng gabi nang tumatanggi umano ang bata sa mga subo habang pinapakain ng ama. Ikinagalit umano ng suspek at pinilit pang subuan bago pinagsusuntok sa ulo at katawan.

Bandang alas 4:34 ng mada­ling araw nang mapansin na ang kakaibang hitsura ng anak kaya isinugod ng mag-asawa sa nasabing ospital subalit hindi na umabot ng buhay bandang alas 4:42 ng madaling araw.

Katuwiran umano ng suspek, dinidisiplina niya lang ang anak at walang intensiyong masama.

vuukle comment

TAGUIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with